Pinakamababa ang sahod sa Southeast Asian Region ng mga Pilipinong nurse at medical technologist.
Batay sa pag-aaral ng economic research institute-powered company na ‘Salary Expert,’ ang isang Pinoy registered nurse ay kumikita lamang ng nasa ₱40,381 kada buwan.
Ito ay 57% na mababa kumpara sa natatanggap na sahod ng mga nurse sa Vietnam na tinatayang nasa ₱63,200 kada buwan.
Nasa ₱29,444 ang average monthly salary ng isang Filipino medical technologist, 51% na mababa kumpara sa mga sahod na natatangap ng mga medtech sa Vietnam na nasa ₱57,000 kada buwan.
Ang mga Singaporean nurses ang nakakatanggap ng mataas na sahod sa rehiyon na tinatayang nasa ₱236,000 at ₱210,000 naman para sa Sinaporean medical technologist.
Sa datos ng Department of Budget and Management (DBM), ang entry-level pay para sa government nurse ay nasa ₱32,053, katumbas ng salary grade 15 sa ilalim ng Salary Standardization Law.
Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry roque na hindi pa niya nababasa ang nasabing pag-aaral, pero iginiit niya na patuloy ang commitment ng pamahalaan para protektahan ang healthcare workers na patuloy na rumeresponde sa pandemya.