Roque, itinangging pabor siyang bigyan ng parole si Pemberton

25

Mariing pinabulaanan ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pabor siyang bigyan ng parole si United States Marines Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, ang pumatay sa transgender na si Jennifer Laude.

Nabatid na sinabi ng abogado ni Pemberton na si Atty. Rowena Garcia na sumang-ayon si Roque noong 2017 na mapalaya si Pemberton sa pamamagitan ng parole.

Ayon kay Roque na dating legal counsel ng pamilya Laude, isa itong kasinungalingan.

Dagdag pa ni Roque, hihilingin niya sa Kamara para mag-isyu ng certification kung bumisita si Flores sa kanyang opisina noong 2017.

Facebook Comments