Mga Pilipinong OFW sa Soloman Island, ligtas kasunod ng magnitude 7.3 na lindol ayon sa DFA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs o DFA na walang Pilipinong OFW na nasaktan kasunod ng magnitude 7.3 na lindol sa Solomon Island, Martes ng hapon

Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Port Moresby, patuloy pa rin ang pagbabantay sa sitwasyon kung saan sa lakas nang lindol may mga napinsalang gusali kabilang na ang Honiara International Airport.

Paliwanag pa ni Ms. Myrtle Atienza, presidente ng Filipino Association sa Solomon Islands, nagkaroon aniya ng mga sunod-sunod na aftershocks at pagkawala ng supply ng kuryente.


Dagdag pa ni Atienza na bahagyang din naibabalik ang mga linya ng komunikasyon sa naturang Isla.

Base sa datos ng DFA nasa 566 ang mga Pilipino sa Solomon Islands, kung saan karamihan sa kanila ay professional na nagtatrabaho sa mga opisina at construction.

Facebook Comments