Mga Pilipinong sumabak sa SEA Games, nagbigay dangal sa bansa ayon sa Palasyo

Manila, Philippines – Nagpaabot ng pagbati ang Palasyo ng Malacañang sa mga atletang Pilipino na sumabak sa 29th SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nagbigay ng karangalan ang mga Pilipinong manlalaro nakakuha man o hindi ng medalya sa nasabing palaro.

Batay sa tala ng Malacañang ay nakakuha ang Pilipinas ng 24 na medalyang ginto, 33 naman ang nakuhang silver, at 64 na bronze medals.


Samantala sa iba pang balita, welcome naman sa Palasyo ng Malacañang ang alok ng Australian government na tulong o training para sa Armed Forces of the Philippines.

Binigyang diin naman ni Abella na limitado lamang sa technical matters at information gathering and sharing ang ibibigay na tulong ng Australian Armed Forces at walang sundalo nito ang makikipagbakbakan kasama ang AFP.

Facebook Comments