NTC, pinag-iingat ang publiko sa mga fake text message

Manila, Philippines – Pinag-iingat ng National Telecommunication Commission (NTC) ang publiko kaugnay sa kumakalat na text message na di umano’y mayroong 500 libong pisong raffle price na napanalunan ang isang indibidwal mula sa isang raffle na isinagawa ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Sa text message, nakasaad dito na maaaring kunin ang napanalunang premyo sa Chairman ng PAGCOR.

Sa kasalukuyan ay nagpakalat na ang NTC ng mensahe sa mga mga telecom subscribers kontra sa mga scam text messages para mabalaan ang publiko.


Makabubuti anila kung agad na ire- report sakanilang tanggapan ang mga numerong nagpapakalat ng ganitong mga mensahe.

Facebook Comments