Mga Pilipinong walang trabaho, nadagdagan pa ng 1.6 million sa unang buwan ng 2021 ayon sa survey

Nadagdagan halos 1.6 million ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa unang buwan ng taong 2021 batay sa pinakabagong Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Dahil dito, 8.7% o katumbas ng 4 na milyon ang mga jobless adults na may edad 15 pataas.
Higti na mas mataas ito kumpara sa naitalang 3.8 jobless adults noong oktubre 2020.

Sa kabila nito, ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, ang unemployment rate nitong January ay ang pinakamababang naitalang unemployment rate simula April 2020.


Aniya, umabot ng 17.3% ang bilang ng mga nawalan ng trabaho dahil sa ipinatupad na lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, inihayag ng mga economic managers ng bansa na ang pagluluwag sa quarantine restrictions ay mas makakapagbigay oportunidad na
makapaghanap ng trabaho ang mga Pilipino.

Facebook Comments