Manila, Philippines – Dumating na sa Department of Justice mula Zamboanga City ang 59 na pinaghihinalaang miyembro ng Maute terror group.
Ang mga ito ay naaresto ng Armed forces of the Philippines noong Hulyo a-25 sa Zamboanga Del Sur at Zamboanga City at sinasabing magsisilbi ang mga ito bilang reinforcement sa Maute-ISIS group na nakikipagbakbakan ngayon sa militar sa Marawi.
Bago mag-umpisa ang pagdinig tinanong muna sila ni Assistant State Prosecutor Peter Ong kung ano ang kanilang ginagamit na lenggwahe.
Napansin natin na bihira lamang sa kanila ang nagsasalita ng tagalog at karamihan sa mga ito ay tausug o samal ang ginagamit na salita.
Sasailalim ang 59 sa inquest proceedings at ipaghaharap ng kasong rebelyon.
Una nang sinabi ng 59 na sila ay kasapi ng MILF at MNLF pero agad naman itong pinabulaanan ng 2 grupo.
Gwardyado sila ng mga miyembro ng SWAT na armado ng mataas na kalibre ng baril.