Manila, Philippines – Matapos makansela ang backchannel talks, hihilingin ng Office of the Solicitor General sa mga korte ang pag-aresto sa mga consultant ng rebeldeng grupo na nahaharap sa mga kasong kriminal.
Ayon kay Solicitor General Jose Calida, maghahain sila ng mosyon sa mga korte para kanselahin ang bail bond ng mga consultant ng NDF.
Aniya, ang pansamantalang kalayaan na ibinigay ng mga hukuman sa mga NDF consultant ay may kaakibat na mga kondisyon at kasama na rito ang pagbawi sa piyansa kapag natapos o nakansela ang usapang pangkapayapaan.
Kasama sa mga NDF consultant na nakakalaya dahil sa pyansa ay ang mag-asawang sina benito at wilma tiamzon na parehong nahaharap sa kasong multiple murder.
*Samantala,* umalma naman si Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison sa bantang ito ng OSG.
Aniya, hindi niya nakikitang kailangan pa ang peace talks lalo’t nahuhumaling na si Pangulong Rodrigo Duterte sa martial law at mass murder.