Manila, Philippines- Umaasa si Solicitor General Jose Calida na agad a-aksyonan ng korte ang hirit nitong arestuhin at kanselahin ang piyansa ng ilang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultants na nahaharap sa kasong kriminal.
Kasunod pa rin ito ng pagbasura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatuloy sana ng backchannel talks dahil sa mga pag-atake ng rebeldeng New People’s Army sa mga tropa ng gobyerno.
Ayon kay Calida, pansamantala lang ang ibinigay na kalayaan sa kanila ng korte.
Ginamit na basehan ng top government lawyer ang resolusyon ng Supreme Court na may petsang Agosto 2, 2016 na pumapayag sa provisional liberty ng NDF personalities na sina Satur Ocampo, Randall Echanis at Vicente Ladlad.
Maalalang dalawampu’t isang NDFP consultants na may mga kasong kriminal sa iba’t ibang trial courts sa bansa ang nabigyan ng conditional release ng mga trial courts para lumahok sa peace negotiations sa Oslo, Norway.
Kabilang dito sina CPP-NPA leader’s Benito at Wilma Tiamzon na parehong humaharap ng kasong multiple murder at kidnapping charges sa Manila at Quezon City Regional Trial Courts.