Mga pinarangalang government worker, inaasahan ni PBBM na tutulong para maabot ang development agenda ng bansa

Courtesy: RTVM Facebook live

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magsisilbing huwaran ang mga pinarangalang government worker ngayong araw sa pagtulong sa administrasyon na maabot ang national development agenda ng bansa para sa mga Pilipino.

Sa 2022 awarding ceremony sa Malacañang, para sa mga indibidwal at grupo na nagpamalas ng katangi – tanging serbisyong publiko, kinilala ng pangulo ang pagtupad sa tungkulin ng mga kawani ng gobyerno sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Aniya, ang trabaho sa pamahalaan ay hindi para sa lahat, dahil kailangan aniyang unahin ang pangangailangan ng iba, sa pamamagitan ng serbisyong publiko.


Kaya naman dapat lamang na bigyang pasasalamat ang lahat ng mga kawani ng gobyerno, lalo na ang mga tahimik lamang na nag-ta-trabaho, pero higit pa sa mandato ng kanilang ginagawang paglilingkod.

Ngayong araw, pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr., ang pagbibigay parangal sa 10 indibiwal para sa Dangal ng Bayan Awards.

Para ito sa mga indibidwal na nakaagawa ng extraordinary act o public service, o ang mga indibidwal na nagpakita ng pinakamataas o pinaka-angkop na pag-uugali sa trabaho.

Tatlong indibidwal at tatlong grupo ang nagbigay ng Pagasa Awards ng Civil Service Commission (CSC).

Isa itong pagkilala na ipinagkakaloob sa mga indibidwal na mayroong outstanding contribution, na direktang nakaapekto o nagbigya benepisyo sa higit sa isang departamento ng pamahalaan.

Habang dalawang indibidwal at apat na grupo naman ang nagawaran ng Presidential Lingkod Bayan Award.

Para naman ito sa mga indibiwal o grupo, na nagkaroon ng kontribusyon o ambag na ideya o performance, na nagkaroon ng impact sa buong bansa, lalo sa usapin ng public interest at security.

Facebook Comments