Mga Pinoy at ilan pang foreign domestic workers sa Hong Kong, hindi kuntento sa inaprubahang 100-Hong Kong dollars wage hike

Dismayado ang mga Pilipino at iba pang dayuhang domestic workers sa Hong Kong sa binigay sa kanilang dagdag na sahod at food allowance.

Ayon sa foreign domestic workers sa Hong Kong mula sa Pilipinas, Nepal, Sri Lanka at Indonesia, insulto sa kanila ang 100-Hong Kong dollars na dagdag sa buwanang sahod at 23 dollars na dagdag food allowance.

Bunga nito, ipagpapatuloy aniya nila ang kanilang pakikipaglaban para sa tamang dagdag na sweldo at sa pagkain.


Sa kabilang dako, may ilan namang Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nagsabi tulad ni Els Lumabi, na nagpapasalamat na rin sila sa wage increase at dagdag na food allowance dahil kahit papaano anila ay makakatulong naman ito.

Nagpasalamat naman ang Hong Kong government sa tulong ng foreign domestic workers sa kanilang ekonomiya at sa kanilang mga pamilya.

Facebook Comments