3 heneral, inirekomenda na maging number 2 man ng PNP

Isinumite ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., sa National Police Commission ang pangalan ng tatlong heneral para pagpilian bilang bagong deputy chief for administration, ang pangalawang pinakamataas na pwesto sa PNP.

Ito’y makaraang magretiro sa serbisyo si PNP Deputy Chief for Administration Police Lt. General Jose Chiquito Malayo kahapon.

Pansamantalang papalit bilang officer-in-charge ng tanggapan ng TDCA si PNP Area Police Command Visayas Chief Police Lt. Gen. Rodel Sermonia.


Sabay na hahawakan ni Sermonia ang kanyang kasalukuyang pwesto at ang tanggapan ng TDCA hanggang may mahanap na kapalit ni Malayo.

Una na ring nagsilbi si Sermonia bilang TDCA, simula noong panahon ni dating PNP Chief Ret. Police Gen. Dionardo Carlos hanggang sa inilipat siya ni Azurin bilang area police command chief sa Visayas.

Facebook Comments