Mga pinoy classic movie, mapapanood na ng libre sa YouTube

Ngayon may month-long community quarantine dahil sa COVID-19, may pa-treat ang showbiz giant na Regal Films sa mga Pilipino.

Simula kasi ngayon araw ay mapapanood mo na ng libre sa YouTube ang iyong mga paboritong classic movie.

Iba’t ibang genres ng pelikula ang pagpipiliian, may patungkol sa kababaihan, horror classics, comedies, feel-good family stories, at action flicks.


Una nang nagbigay ng free movie streaming ang ABS-CBN at Cinema One sa kanilang YouTube page.

Facebook Comments