Mga pinoy crew ng MV Diamond Princess na sumailalim sa 14 days mandatory quarantine, nakalabas na ng New Clark City

Nakalabas na ng New Clark City (NCC) sa Capas, Tarlac ang 437 na pinoy crew ng MV Diamond Princess Cruise Ship matapos sumailalim sa 14 days mandatory quarantine dahil sa COVID-19.

Umalis ang mga repatriate sa NCC compound sa pamamagitan ng mga batch mula alas-9 ng umaga hanggang bago mag-tanghali.

Binigyan naman ng ticket ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang ibang repatriates na mayroong flights sa ibang parte ng Pilipinas.


Kabilang rin sa nakaalis ng ncc ang apat na personnel ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Embassy sa Japan na tumulong sa mga repatriates at sumailalim din sa quarantine.

Ayon sa OWWA, dalawa sa mga dating repatriates na na-quarantine ang nagpositibo sa COVID-19 kung saan ito ang patient number 25 at patient number 26, na edad 31 at 34.

Patuloy naman ang isinasagawa ang contact tracing sa mga indibidwal na nakasalamuha ng mga pasyente sa loob ng compound bago ito lumabas.

Facebook Comments