Sales Agent, Huli sa Drug buy-bust Operation

*Cauayan City, Isabela*- Natimbog sa ikinasang drug buy- bust operation ng pulisya ang isang sales agent bandang 1:10 kaninang hapon sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Glen Solis, may asawa at residente ng Brgy. Minante Uno, Cauayan City, Isabela.

Ayon sa ulat ng Cauayan City Police Station, nakatanggap sila ng impormasyon na magbebenta ng droga sa lungsod ang suspek kaya’t agad naglatag ng operasyon laban dito.


Lumalabas sa imbestigasyon na napagbentahan ng suspek ang operatiba na nagpanggap na poseur buyer.

Nakumpiska sa suspek ang isang (1) piraso ng P500.00-peso bill na marked money, isang (1) lighter at isnag improvise glass bong.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2001 laban sa suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Facebook Comments