Mga Pinoy evacuees na inilikas bunsod ng Hurricane Irma, pauwi na ng bansa

Manila, Philippines – Dadating sa bansa mamayang gabi ang nasa 132 Filipino na kabilang sa mga nasalanta ng Hurricane Irma sa Puerto Rico.

Ayon kay Foreign Affairs Asst. Sec. Rob Bolivar, lulan ang mga ito ng Philippine Airlines Flight No: PR 8115 at inaasahang lalapag sa NAIA terminal 2, alas 9 mamayang gabi.

Kasama ng mga ito si Consul Katrina Borja Martin na aagapay sa mga Pinoy evacuees kabilang ang 3 nagdadalang tao, 2 nakatatanda, isang sanggol at isang pasahero na kinakailangang isakay ng wheelchair.


Kasunod nito, inanunsyo din ng DFA na nailikas ang mga ito bago pa man tumama ang isa sa mga itinuturing na pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng Estados Unidos.

Ang mga kababayan natin ay nasagip ng Philippine Embassy sa Washington D.C. British Virgin Islands, Anguilla, at Sint Maartens na matinding hinagupit ng hurricane Irma.

Si Hurrican Irma ay matatandaang inilagay sa category 5 kung saan nag-iwan ito ng 55 patay sa Caribbean at sa US.

Facebook Comments