Qatar – Mas maraming Pinoy ang mas piniling manatili sa bansang Qatar sa kabilang ng nagaganap na diplomatic crisis.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration Administrator Hans Leo Cacdac – mas ninais ng mga Pinoy na nanatili dahil sa trabaho kaysa sa umuwi ng bansa ng walang pagkakakitaan.
Sinabi naman ni Cacdac na nananatili pa ring normal ang sitwasyon sa Qatar.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan nila sa mga Pinoy na manggagawa sa nasabing bansa at handa naman sila sakaling magpasya ang mga ito na umuwi ng Pilipinas.
Nagkaroon ng tensyon sa gitnang silangang nang magpasya ang mga bansang Saudi Arabia, Egypt, United Arab Emirates at ang Bahrain na putulin ang ugnayang pang-diplomatiko sa Qatar dahil sa alegasyon na pinopondohan at sinusuportahan nito ang mga teroristang grupo gaya ng ISIS.
DZXL558