Paghahanap sa bangkay ni Bien Unido, Bohol Mayor – sinuspende bunsod ng masamang panahon

Bohol, Philippines – Ipinagpaliban ngayon araw ang retrieval operations ng mga otoridad sa katawan ng pinaslang na Bien Unido, Bohol Mayor na si Gisela Boniel sa karagatan ng Lapu-Lapu City.

Ayon kay Lapu Lapu City Police Office Chief Senior Supt. Rommel Cabagnot – ang suspensyon sa paghahanap sa katawan ng alkalde ay bunsod ng masamang panahon.

Ang lokasyon kung saan itinapon ang bangkay ng Mayor ay una nang ikinanta ng suspek na si Riolito Boniel, pinsan ni Bohol Provincial Board Member Niño Rey Boniel na itinuturong master mind sa pagpatay sa sarili nitong asawa.


Batay sa pagtataya ng retrieval team, ang katawan ng alkalde ay nasa 216 meters o 708 feet deep.

Miyerkules nang ipadukot ni Board Member Boniel ang sarili nitong asawa at dalhin sa isang resort.

Nabatid na matagal nang may personal na problema ang dalawa.
DZXL558

Facebook Comments