Mga Pinoy na naiipit sa civil war sa Libya, pinayuhan na boluntaryong umuwi

Nananawagan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Libya na boluntaryo nang bumalik ng Pilipinas bago pa maipit sa kaguluhan sa nasabing bansa.

Ito ay matapos itaas ng Pilipinas sa alert level three ang sitwasyon sa Libya at magpatupad ng deployment ban kasunod ng lumalalang gulo doon.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, handa ang gobyerno na sagutin ang pamasahe ng sinumang OFW na gusto nang umuwi ng Pilipinas.


Aniya, tutulungan rin ng pamahalaan ang mga ito na magkatrabaho sa ibang bansa kung sakali.

Batay sa datos ng pamahalaan, nasa 2,600 ang OFW na nakabase sa Libya kung saan karamihan sa kanila ay nagtatrabaho sa mga ospital, construction sites at oil companies.

Facebook Comments