Nanawagan sa mga Pilipino sa Seoul ang Philippine Embassy sa South Korea na kunin na ang kanilang mga nawalang kagamitan matapos ang stampede sa Halloween party sa Itaewon.
Naglagay kasi ng Lost and Found Center ang mga awtoridad sa nasabing lugar para ma-claim ang mga nalaglagan ng gamit ang kanilang lost items.
Sa naturang stampede, mahigit isang daan ang namatay at marami ang nasaktan.
Wala namang mga Pinoy na nasaktan sa insidente bagama’t may ilang nawalan ng gamit matapos na tumakbo para isalba ang sarili sa stampede.
Facebook Comments