P1.40 dagdag-presyo sa gasolina, epektibo na bukas; diesel, kerosene, may rollback

Nag-anunsyo na ng kani-kanilang oil price adjustment ang ilang kumpanya ng langis.

Magpapatupad ang Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil ng P1.40 na dagdag-presyo sa gasolina; at bawas-presyo naman na 50 centavos sa diesel at 35 centavos sa kerosene.

Kaparehong dagdag-bawas din ang ipatutupad ng Petro Gazz at Cleanfuel maliban sa kerosene na hindi nila ikinakarga.


Epektibo ang oil price adjustment alas-6:00 ng umaga bukas maliban sa Cleanfuel na alas-4:01 pa ng hapon magpapatupad.

Facebook Comments