Mga Pinoy na nananatili sa Sudan, hindi na aabot sa 100

Wala na sa 100 ang bilang ng mga Pilipinong nananatili sa Sudan sa gitna ng nagpapatuloy na kaguluhan doon.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, karamihan sa mga nananatili sa Sudan ay mga nagkaroon na ng pamilya roon at may iba namang hindi makaalis dahil sa trabaho.

Sa kabila nito, nakahanda pa rin ang DFA sakaling magdesisyon ang mga ito an lumikas na.


Maaari lamang anila na kontakin ang konsulada at ang Embahada ng Pilipinas sa Cairo, Egypt.

Samantala, umapela naman si Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople sa mga ayaw pang umalis na samantalahin ang pagpapalawig ng ceasefire o tigil putukan.

Nauna nang dumating sa bansa kahapon ang first batch ng mga Pilipinong apektado ng kaguluhan sa Sudan habang nasa 340 Pinoy pa ang target mapauwi ngayong linggo.

Facebook Comments