Manila, Philippines – Nagsimula nang bumili ang mga Pinoy ng bilog na prutas para sa paghahanda sa Media Noche.
Unti-unti na ring dumadagsa sa mga pamilihan ang mga mamimili habang maaga upang makaiwas sa dami ng tao habang papalapit ang Bagong Taon.
Sa mga public market, mabibili ang pitong pirasong ponkan sa P50 habang ang anim na pirasong lemon at peras ay mabibili sa P100.
Samantala, ang tatlong bags ng kiat-kiat ay mabibili ng P100 at ang isang bag ng grapes ay mabibili naman ng P100.
Pinayuhan naman ang mga mamimili na bumili ng kahon-kahong prutas para makatipid.
Sa paniniwala ng mga Pilipino, inihahanda ang mga bilog na prutas tuwing magpapalit ng taon dahil ito daw ay maghahatid ng swerte sa buong taon.
Pero, habang papalapit ang New Year asahan na rin ang pagmahal ng presyo ng mga prutas na mabibili sa mga palengke at supermarkets.