Mga pinoy nanatiling mataas ang tiwala sa Amerika batay sa bagong survey ng Social Weather Stations

Bagamat bumaba, nanatiling mataas ang tiwala ng mga Pilipino sa Amerika.
 
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), nitong December 2016 lumalabas na +59 o very good ang nakuhang net trust rating ng Amerika.
 
Pero, mas mababa ito kumpara sa +66 noong September 2016.
 
Malaki naman ang iniangat na tiwala ng mga Pilipino sa China na may +9 o neutral satisfaction rating kumpara sa -33 o bad rating noong September 2016 survey.
 
Record high na +9 ang satisfaction rating ng mga Pilipino sa Russia kumpara sa -4 noong March 2014.
 
Bukod dito, ang Japan at Australia ay kapwa may +37 trust rating.
 
Isinagawa ang bagong survey noong December 3 hanggang 6 sa 1,500 respondents at may margin of error na positive-negative (+/-) 3.

Facebook Comments