Mga Pinoy sa Haiti, pinayuhang ‘wag magtungo sa mga matataong lugar

Patuloy ang ugnayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Filipino community sa Haiti.

Ito ay matapos ang nangyaring serye ng marahas na protesta sa Caribbean country na nag-umpisa noong February 8.

Ayon kay Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, pinayuhan na nila ang mga Pinoy na hanggat maaari ay manatili muna sa kani-kanilang tahanan at iwasang pumunta sa mga matataong lugar.


Kasunod nito hinihikayat ng embahada ang mga Pinoy sa nasabing bansa na mag-register online upang malaman ang sitwasyon ng bawat Pinoy at para mabigyan sila ng tulong sa oras ng pangangailangan.

Sa inisyal na impormasyon nasa ligtas namang kalagayan ang nasa 500 miyembro ng Filipino community sa Haiti.

Nabatid na ang serye ng marahas na kilos protesta ang dahilan kung bakit isinara ang mga paaralan, shops, public transportation at government offices sa Port-au-Prince dahil binarikadahan ang mga kalsada.

Facebook Comments