Mga Pinoy sa Libya pinag iingat ng DFA matapos ideklara ang State of Emergency

Patuloy ang ginagawang pagmomonitor ng Department of Foreign Affairs sa sitwasyon ng ating mga kababayan sa Libya.

 

Ito’y matapos ideklara nito lamang Miyerkules ang State of Emergency sa naturang bansa dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan.

 

Ayon kay Chargé d’Affaires Elmer Cato nagpalabas na sila ng advisory na nagbababala sa tinatayang 1,000 Pinoy sa Tripoli


 

Sa nasabing kaguluhan isa na ang kumpirmadong nasawi habang ilan naman ang napaulat na sugatan.

 

Pero tiniyak ni Cato na sa ngayon ay walang Filipino casualties.

 

Kaugnay nito tiniyak ng opisyal na kung magpapatuloy ang sagupaan ay nakahanda silang ayudahan ang ating mga kababayan.

 

Maaari aniyang tumawag ang mga OFWs sa Libya sa numerong +218.91.824.4208 para sa anumang assistance.

Facebook Comments