Mga Pinoy sa Los Angeles, California, inalerto ng consulate general matapos ang mass shooting doon

Pinapayuhan ng Philippine Consulate sa Los Angeles, California ang mga Pinoy roon na maging alerto at agad magsumbong sa mga awtoridad kung may mapansin silang may kakaiba sa paligid.

Kasunod ito ng mass shooting na nangyari sa selebrasyon ng Lunar New Year kung saan 11 ang namatay kabilang na ang isang Pinoy.

Kinilala naman ni Deputy Consul General Ambrosio Enciso ang nasawing Pinoy na si Valentino Alvero, 68 taong gulang.


Nakatutok naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa imbestigasyon sa kaso.

Nabatid na ang killer na si Huu Can Tran ay isang Vietnamese at dating dance instructor.

Ang nasabing killer ay nagbaril din sa sarili matapos ang krimen.

Facebook Comments