INDIAN NATIONAL SUGATAN SA PAMAMARIL SA DAGUPAN CITY

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa pagkakakilanlan ng mga suspek sa pamamaril sa isang Indian National sa Dagupan City.
Ang biktima ay nakilalang si Mandeep Singh pansamantalang nakatira sa Brgy. Caranglaan sa nasabing lungsod.
Naganap ang pamamaril mag-aalas kwatro ng hapon sa Barangay Bonuan Binloc habang pababa sana sa kanyang motor ang biktima nang biglang may tumigil na motor sa tabi nito lulan ang dalawa katao at agad na binaril ang biktima.

Tinamaan ang biktima sa kaliwang paa subalit nagawa pa din nitong makatakas at makahingi ng tulong na agad namang naisugod sa pagamutan.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa pagkakakilanlan ng mga suspek maging ng motibo sa insidente.
Napag-alaman na ang biktima ay mangongolekta sana ng mga pautang nang maganap ang pamamaril. | ifmnews
Facebook Comments