Inoobliga na ng pamahalaan ng Macau ang lahat ng Pilipino doon na sumailalim sa COVID-19 test sa pamamagitan ng nucleic acid testing.
Sakop nito ang lahat ng holder ng Philippine passport maging ang mga sanggol.
Sa harap ito ng pagtaas ng bilang ng mga Pinoy sa Macau na nagpopositibo sa COVID-19
Ang mga Pinoy na tutugon sa mandatory COVID-19 testing sa Macau ay otomatikong makakakuha ng green health code.
ito ay mula sa kasalukuyang yellow health code na kanilang pinanghahawakan.
Ang hindi naman tatalima sa COVID testing ay ilalagay sa red health code.
Facebook Comments