PNP, patuloy na nakakapagtala ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay

79

Sumampa na sa 142 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Ito’y makaraang makapagtala ang PNP Health Service ngayong araw ng 26 na mga bagong kaso habang siyam naman ang reinfection.

Sa kasalukuyan, nasa 49,077 na ang kabuuang bilang ng mga naitalang impeksyon sa hanay ng pambansang pulisya habang 48,806 ang gumaling dahil sa walong bagong recoveries at 129 naman ang death toll.


Samantala, pumalo na sa 99.70% ang fully vaccinated sa PNP, 0.06% ang partially vaccinated at 98.91% naman ang nakatanggap ng booster shot.

Facebook Comments