Mga Pinoy sa mga lugar sa Libya kung saan muling sumiklab ang kaguluhan, pinalilikas ng Philippine Embassy

Pinalilikas ng Philippine Embassy sa Libya ang mga Pilipinong naninirahan sa mga lugar sa Libya kung saan muling sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng mga rebelde at ng tropa ng gobyerno doon.

Partikular na may bakbakan ngayon ang lugar ng Tarik Matir at Abu Salim.

Sa abiso ni Philippine Ambassador to Libya Elmer Cato, pinapayuhan ang mga Pinoy doon na manatili lamang sa loob ng bahay at mas mainam din na lumikas muna sa Tripoli na mas ligtas sa panganib.


Partikular din na pinag-iingat ni Ambassador Cato ang Filipino nurses sa Libya lalo na’t pawang mga ospital at health facilities ang target ngayon ng artillery attack.

Pinakahuling tinamaan ng artillery round ang Royal Clinic, Al Khadra Hospital at Al Afia Clinic.

Sa ngayon, tinatayang nasa 9,000 ang mga Pinoy sa Libya.

Facebook Comments