Mga Pinoy sa Moscow, pinag-iingat ng embahada dahil sa mga bomb threat sa Russia

Pinag-iingat ng Embahada ng Pilipinas sa Russia ang mga Filipino sa Moscow dahil sa mga bantang pagsabog sa mga pampublikong lugar.

Sa abvisory inilabas ng Phillipine Embassy, hinimok ang mga Filipino na sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad mula sa Russian Federation.

Bagamat napaulat na peke ang mga pagbabanta, hindi anila ito dapat na maliitin at sumunod sa mga babala sa mga awtoridad para sa kanilang kaligtasan.


Ayon sa embahada, ang sunud-sunod na bomb threats sa buong Moscow partikular ang ‘Metro’ area, mga paaralan, shopping malls, mga korte at iba pang pampublikong lugar.

Facebook Comments