Mga Pinoy sa Myanmar na nais umuwi sa Pilipinas, handang tulungan ng Consular office sa Yangon

Isang Earthquake Assistance Program ang ipagkakaloob ng Embahada ng Pilipinas sa Yangon para sa mga Pilipino na nais muna bumalik o umuwi sa Pilipinas ngayong April 12.

Nakikipag-ugnayan na ang Embahada sa gobyerno ng Pilipinas para sa paggamit ng C-130 aircraft para sa mga Pilipinong nais umuwi sa bansa.

Tinitiyak ng Embahada lalo na sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na maaari pa rin sila makabalik sa kanilang mga trabaho sa Myanmar, kung sila ay may kaululang mga dokumento katulad ng valid visa at overseas employment certificate.

Para naman sa mga Pinoy na nais ma-relocate, nakahanda rin ang Embahada na umalalay sa pamamagitan ng transportation assistance patungong Yangon, gayundin ang isang temporary accommodation, sa loob ng 14 araw o mas higit pa kung kinakailangan.

Makatatanggap din ng financial assitance ang mga qualified OFW alinsunod sa mga alituntunin ng gobyerno at may trauma counselling services din para sa mga nais magpakonsulta dahil sa traumang naranasan nila bunsod ng nangyaring sakuna sa Myanmar.

Hinihikiyat ng Embahada ng Yangon ang mga Pilipino sa Myanmar na nais mag-avail sa mga nabanggit na Earthquake Assistance Program na agad makipag-ugnayan sa Embahada.

Facebook Comments