Mga Pinoy sa Saudi Arabia, pinag-iingat kasunod ng bomb attack

Patuloy na naka-monitor ang pamahalaan sa sitwasyon sa Jeddah, Saudi Arabia kasunod ng nangyaring pagsabog sa isang sementeryo kung saan nagtipon ang mga foreign diplomats para gunitain ang pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig (World War I).

Nabatid na dalawa ang nasugatan nang sumabog ang isang device sa Khawajat cemetery sa Al-Balad area.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang Philippine Consulate General sa Jeddah ay nakikipag-ugnayan sa Filipino community members na pinayuhang maging alerto at sundin ang payo ng mga lokal na awtoridad.


Kinumpirma naman ng konsulada na walang Pilipinong nadamay sa insidente.

Pero hinimok nila ang mga Pilipino na iwasang magtungo sa lugar ng insidente, mag-ingat at sundin ang payo ng Saudi authorities.

Facebook Comments