Mga Pinoy sa Tripoli, nasa maayos na kalagayan matapos ang ikinasang airstrike ng Libyan army

53

Nasa maayos na kalagayan ngayon ang ilang Pilipino sa Tripoli matapos ang ikinasang airstrike ng Libyan army.

Ito ang naging pahayag ni Foreign Affairs Assistant Secretary Elmer Cato kung saan isinagawa ang military operations laban sa pwersa ni Khalifa Haftar malapit sa Tripoli International Airport.


Nabatid na patuloy pang magsasagawa ng pag-atake ang Libyan army para tuluyang masugpo ang mga tauhan ni Haftar pilit na sinasakop ang Tripoli.

Bagamat maraming Pilipino ang nakabase sa nasabing lugar, wala naman nasaktan o nadamay sa naturang airstrike.

Pero, pinag-iingat pa din ng Philippine Embassy ang mga Pinoy sa Southern Tripoli at pinayuhan nila ang mga ito na manatiling ligtas at alerto anumang oras.

Facebook Comments

From Advertisers