Mga pinoy seafarer, nais ni PBBM na sanayin sa paggamit ng green hydrogen sa mga barko para makatulong sa pagbabawas ng carbon emission.

Iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pangangailangan na mabigyan ng dagdag na pagsasanay ang mga Pilipinong seafarer o mandaragat para matugunan ang paglilipat sa green hydrogen bilang fuel source para sa mga barko mula 2030 hanggang 2040.

Ang pahayag ay ginawa ng pangulo matapos ang pakikipagpulong nito kamakailan sa mga ospisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Malacañang.

Sinabi ng presidente na kailangang makasanayan na ng mga seafarer ang paghawak o pangangasiwa sa alternative fuels para makamit ang global decarbonization objectives.


Kamakailan ay lumagda sa isang joint statement ang mga nangungunang organisasyon sa buong shipping value chain kasama ang pinakamalalaking producer ng green hydrogen na nangangako para sa mabilis na produksyon at paggamit ng low-carbon fuels para mapabilis ang decarbonization ng global shipping.

Ang shipping sector ay kumakatawan sa 3% ng global greenhouse gas emissions pero inaasahan itong lalaki pa hanggang 50% pagsapit ng 2050 kung hindi mapipigilan.

Binigyang diin ng pangulo na kailangang gumawa na ng paraan ang seafaring industry upang makatulong na mabawasan ang carbon emission.

Facebook Comments