Mga Plano ng Bagong PNP Provincial Director ng Quirino, Ibinahagi!

65

*Quirino-* Mas lalo pang paiigtingin ngayon ng bagong talaga na PNP Provincial Director ng Quirino na si Police Senior Superintendent Renato Mallongga, dating Chief ng Regional CIDG ang seguridad at kapayapaan sa kanyang nasasakupan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Superintendent Renato Mallonga, kanilang tututukan ang pagbabantay sa mga matataong lugar gaya sa mga terminal at simbahan upang mapanatili ang katahimikan ngayong kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon.


Bukod pa rito ay inilatag rin ng nasabing opisyal ang kanyang mga plano sa taong 2019 kaugnay pa rin sa pagpapanatili sa kapayaan sa kanyang bagong nasasakupan.

Tututukan rin aniya ang isa sa mga hamon sa Lalawigan ng Quirino ang mga talamak na illegal logging at pagkukuta ng mga NPA.

Kaugnay nito ay kanya namang hinikayat ang mga nasa kabilang grupo na bumaba na lamang at magbagong buhay upang maipagdiwang rin ang kapaskuhan kasama ang pamilya.

Samantala, target ni Mallonga na maideklara bilang Drug Cleared at Drug Free ang buong Probinsya ng Quirino sa unang quarter ng 2019.

Facebook Comments

From Advertisers