Mga players noon sa EDSA 1, nagkawatak-watak na ayon sa dating NSA opisyal

Naniniwala ang dating National Security Adviser (NSA) Norberto Gonzales na talagang nagkawatak-watak na ang mga lumalaban noon sa dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa ginanap na forum sa Tapatan, sinabi ni dating Commodore at co-Founder ng RAM na si Rex Robles, pagkatapos ng EDSA 1 ay kaagad nagtatag ng 5-man transition committee na hindi naman mga kwalipikado. Kabilang sa naturang committee ay sina dating Presidente Cory Aquino, Bishop Jaime Cardinal Sin, dating Senate President Juan Ponce Enrile at dating Executive na si Rafael Salas.

Paliwanag ni Robles, hindi pala sapat na basta na lamang pinaalis ang dating Presidente Marcos dahil kailangang tuloy-tuloy ang tunay na kalayaan at magandang kinabukasan ng mamamayang pilipino.


Giit naman ni Gonzales, nagkawatak-watak man ang lumalaban kay Marcos noon pero ang mga patuloy na lumalaban sa ngayon ay ang mga traditional politician.

Dagdag pa ni Gonzales, buhay ang pinag-uuspaan noong panahon ng diktatoryang Marcos at naibalik ang demokrasya pero hindi sapat dahil wala pa ring gobyerno na ang kapakanan talaga ng taumbayan ang inuuna.

Facebook Comments