Mga POGO na hindi magbabayad ng buwis, ipapasara!  

Nagbanta ang Department of Finance na ipapasara ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na hindi magbabayad ng kanilang Tax liabilities.

Ayon kay Finance seC. Carlos Dominguez III, ipinag-utos na niya sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na ipasara ang mga POGO na umiiwas sa kanilang tax responsibilities.

Ang kautusan ay bunsod ng mabagal na koleksyon ng withholding Income Taxes mula sa mga POGO sa kanila ng paglalabas ng 130 letter-notices sa mga kumpanyang may kauboang liabilities na aabot sa ₱21.62 billion.


Nitong Hulyo, hinigpitan ng gobyerno ang pangongolekta ng buwis sa mga dayuhang nagtatrabaho sa Pilipinas, kabilang nag POGO employees.

Sa datos mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at bureau of Immigration (BI), nasa 138,000 Foreign Nationals ang nagtatrabaho sa POGO.

Facebook Comments