Mga police commander, inutusang tiyaking walang baril ang mga barangay tanod sa magpapatupad ng ECQ

May direktiba na si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Guillermo Eleazar sa mga local police commander na tiyaking walang dalang baril ang mga baranggay tanod sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ito ay matapos ang pagkakabaril at pagpatay ng barangay tanod sa isang umano’y may sakit sa utak na kinilalang si Eduardo Geñoga na nag-iingay habang curfew hours sa Maynila.

Paglilinaw ni PNP chief na walang kinalaman sa pagpapatupad ng curfew ang insidente, pero paalala pa rin niya sa lahat ng tagapagpatupad ng ECQ na laging magkaroon ng maximum tolerance.


Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Manila Police District (MPD) ang suspek na kinilalang si Cesar Panlaqui at nakatakda nang sampahan ng kaso.

Aalamin din aniya sa imbestigasyon kung bakit may baril ang baranggay tanod at kung rehistrado ito.

Nagpaabot naman si PNP chief ng pakikiramay sa pamilya ng biktima at tiniyak na tututukan niya ang kaso para mapanagot ang suspek sa krimen.

Facebook Comments