Mga police frontliners, may Emergency Treatment Facility na sa loob ng Camp Bagong Diwa

Labis-labis ang kasiyahan ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP) sa bagong Emergency Treatment Facility sa loob ng Camp Bagong Diwa Bicutan, Taguig City.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Dir. Debold Sinas, habang ang mundo ay patuloy na nakikipaglaban sa kasalukuyang krisis sa kalusugan, hindi naman tumitigil ang NCRPO na iprayoridad ang kalusugan at kapakanan ng kanilang mga tauhan na may malaking papel na ginagampanan sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Ang Emergency Treatment Facility ay pansamantalang tutuluyan ng pulis frontliners na nakararanas ng mild hanggang sa severe symptoms ng virus, habang nag-aantay na mayroong mabakanteng hospital rooms.


Ang NCRPO ay may mga registered doctors at nurses, habang ang Emergency Treatment Facility ay mayroong 10 bed capacities, 2 ECG, 1 cardiac monitor with defibrillator, 5 nebulizers, 6 automatic spray dispenser, 1 patient monitor, 10 bedside tables, 10 air-conditioners (window type) at 10 hospital beds with IV stand.

Facebook Comments