Mga pulis sa Jolo, Sulu, muling isasalang sa refresher training

70

Magsasagawa ng unit training ang Philippine National Police (PNP) sa Jolo, Sulu.

Ito ang inihayag ni PNP Chief General Camilo Cascolan matapos na hingian ng update kaugnay sa pagkakapatay ng mga pulis sa Jolo sa apat na mga sundalo kamakailan.

Ayon kay PNP Chief Cascolan, sa susunod na linggo gagawin ang refresher training sa mga pulis sa Jolo na sesentro sa law enforcement activity.

Inaayos na din aniya ng PNP ang mas maganda pang -ugnayan sa pagitan ng militar tuwing magsasagawa ng operasyon.

Una nang inihayag ng pamunuan ng Philippine Army na may lapses sa panig ng mga pulis kaya napatay ang apat na sundalo habang nagsasagawa ng operasyon sa Jolo, Sulu nitong Hunyo.

Facebook Comments