Mga police officials na masasangkot sa iligal na sugal mahaharap sa mabigat na parusa

Nag-aabang ang mabigat na parusa sa mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nagpapabaya sa kanilang trabaho sa paglaban sa iligal na sugal sa kanilang area of responsibility.

Siniguro ito ni PNP deputy chief for operations, Lieutenant General Guillermo Eleazar makaraang pagsisirain kahapon sa Camp Crame ang mahigit 50 illegal gambling machines na nakumpiska ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG).

Ayon kay Eleazar, pupulungin nya ang mga director at kanilang contact officers para magsagawa ng pag-aaral kaugnay sa pamamayagpag pa rin ng operasyon ng iligal na sugal.


Aniya, aalamin nya kung sino sino ang nakikinabang at kung paano nakakalusot ang naturang aktibidad.

Dagdag pa ng opisyal, seryoso ang one-strike policy ng PNP.

Inahalintulad nya rito ang 7 unit commanders at 3 Chief of Police na nasibak kamakailan.

Facebook Comments