Mga police regional director, pinaglalatag na ng vaccination plan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar

27

Pinagsusumite ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga police regional director ng vaccination plan.

Ito ay bilang paghahanda sa pagbabakuna sa A4 priority list na inaasahang magsisimula sa susunod na buwan.


Ayon kay Eleazar, inatasan na rin niya ang mga provincial director at chief of police na makipag-ugnaya sa mga Local Government Unit (LGU) para sa ipapatupad na seguridad sa mga vaccination center.

Aniya, mabuti na ang maagang paghahanda para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao na gaya ng nangyari sa Parañaque City nang dumating ang Pfizer vaccine.

Giit ni Eleazar, kung dumagsa man ang mga tao sa vaccination center, dapat masunod pa rin ang standard health protocols sa pamamagitan ng maayos na sistema.

Facebook Comments