Mga police scalawags na naaresto ng PNP CITF, ipapadala na rin sa Marawi City

Manila, Philippines – Ipapatapon na rin ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa sa Marawi City ang mga naarestong police scalawags ng PNP counter intelligence task force.

Ayon kay Dela Rosa, kinakailangan ngayon ng dagdag pwersa sa Marawi lalot nagpapatuloy pa ang pakikipagbakbakan ng militar sa teroristang Maute group.

Nais rin nyang ipakita ng mga police scalawags ang kanilang galing sa pangggantso sa kapwa.


Umaasa si Dela Rosa na oras na maipadala na sa Marawi City ang mga police scalawags, mabibigyan sila ng pagkakataon na ma rehabilitate ang kanilang sarili at magbago.

Sa ganitong paraan aniya maipakikita na ng police scalawags ang matino, walang kotong, walang kalokohan, at sinserong pagbibigay serbisyo sa publiko.

Batay sa talaan ng CITF, 31 na police scalawags na ang naaresto ng kanilang hanay na ngayon nahaharap sa kaso.

Facebook Comments