Mga police station chiefs, masisibak kapag nagkaroon ng insidente ng ligaw na bala

Manila, Philippines – Nagbabala si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar sa mga hepe ng pulisya na maaari silang masibak sa trabaho.

Ito ay kung mayroong maitatalang stray bullet o ligaw na bala sa kanilang lugar na sinasakupan.

Ayon kay Eleazar, mahigpit nilang pinagbabawalan ang kanilang mga tauhan na magpaputok ng baril ngayong Pasko at Bagong Taon.


Aniya, ipinagbabawal rin ang pag-inom sa pampublikong lugar ng mga pulis.

Umapela rin si Eleazar sa publiko na agad ipag-alam sa kanila kung may makakakita na mga sumusuway na pulis sa 0915-888-8181 0999-901-81-81, 911 o magsumbong sa istasyon ng pulis.

Facebook Comments