Mga police units na malapit sa mga lugar na tinutumbok ng Bagyong Kiko, naka-standby para sa pagtulong sa mga apektado

Inutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa mga police unit na malapit sa mga lugar na direktang apektado ng Bagyong Kiko na maghanda sakaling sila ay kailanganin.

Ayon kay PNP chief, nagpapatuloy ang monitoring nila sa weather situation sa mga lugar na nakakaranas ng pag-ulan at malakas na hangin dulot ng Bagyong Kiko.

Bukod sa utos na paghahanda sa deployment ng tao, naka-standby rin ang mga disaster equipment ng PNP para sa pagresponde sa worst-case scenarios.


Apela naman ni Eleazar sa publiko lalo na sa mga residenteng ang lugar ay direktang hinahagupit ng Bagyong Kiko na sumunod sa utos ng Local Government Units (LGUs) para sa kanilang kaligtasan.

Sinabi ni Eleazar na sa mga ganitong kalamidad, ang pagtutulungan ang magsisilbing pag-asa ng mga kababayan para agad makabangon sa epekto hindi lamang ng Bagyong Jolina pati na rin ng Bagyong Kiko.

Facebook Comments