MANILA – Asahang magiging mas malakas ang boses ni Vice President Leni Robredo sa ilang polisiya ng Administrasyong ni Pangulong Rodrigo Duterte.Ito ang tiniyak ng tagapagsalita ni Robredo na si Georgina Hernandez kasunod ng pagbibitiw ng Bise Presidente bilang chairman ng Housing and Urban Development Coordinationg Council (HUDCC).Ayon kay Hernandez – patuloy na babantayan ni Robredo ang mga bagay na hindi rumerespeto sa karapatang pantao, tulad ng extra judicial killings, muling pagbuhay ng death penalty at ang Marcos Burial.Bago ang pagbibitiw ni Robredo, nabatid na walang written notice na natanggap ang opisina ng bise presidente na nag-aatas na huwag na itong padaluhin sa cabinet meetings ng Duterte Administration.Pero, hindi na ito ipinagtaka ni Robredo, lalo na’t lantaran naman aniya na ayaw sa kanya ng pangulo.Hindi rin ito kumbinsido na mabigat ang loob ng Pangulong Duterte sa pagbibitiw nito sa HUDCC.Nabatid na umabot sa 40,000 houses ang naaprubahan ni Robredo sa maikling panahon ng panunungkulan bilang chairperson ng HUDCC.
Mga Polisiya Ng Duterte Administration, Mahigpit Na Babantayan Ni Vice President Leni Robredo
Facebook Comments