Iginiit ni Senate President Tito Sotto III sa local at national government na pag-usapang mabuti ang anumang pagbabago sa polisiya kaugnay sa COVID-19.
Sabi ni Sotto, hindi pwedeng pilitin ang Cebu na sumunod sa mga patakaran na inilatag ng Inter-Agency Task Force (IATF) at hindi rin naman pwede na magtigas-tigasan ng ulo ang Cebu.
Pahayag ito ni Sotto makaraang maglabas ng deriktiba si Governor Gwen Garcia na hindi na obligado ang pagsusuot ng face mask sa Cebu na taliwas naman sa kautusan ng IATF.
Diin ni Sotto, dapat mabalanse ang local na otonomiya at ang epekto sa buong bansa ng mga hakbang sa pagbubukas ng ekonomiya at mga polisiya sa bawat lugar o lalawigan.
Higit sa lahat, ayon kay Sotto, mahalaga na science-based at data-driven ang mga polisiya natin.