DZXL 558 Radyo Trabaho team, makikiisa sa gaganaping Mega Job Fair sa Pasay City ngayong araw

36

Lalabas sa unang pagkakataon ngayong 2022 ang DZXL 558 Radyo Trabaho team para makiisa sa Mega Job Fair ng Public Employment Service Office (PESO) Pasay City.

Aarangkada ito mamayang alas-nuebe ng umaga hanggang alas-kwatro ng hapon sa Cuneta Astrodome.

Nasa limampung (50) local at international companies ang kalahok na may daan-daang alok na trabaho sa lahat ng mga aplikanteng naghahangad na magkatrabaho.


Bukod sa alok na trabaho, mayroon ring one-stop shop kung saan maari mong asikasuhin ang iyong mga dokumento sa NBI, PAG-IBIG, Philhealth at Social Security System (NCR).

Katuwang rin sa mega job fair na ito ang morethanjobs.com, OWWA, POEA, DEPED-NCR, University of Pasay, DTI, PSA AT TESDA.

Facebook Comments